Thursday, June 04, 2015

SHADOWS OF YESTERDAY is UPFI Film Center's Queer Pride Feature

The Great UP Midyear: June and July 2015 Screenings at UPFI Film Center

Midyear in the country’s premier state university promises to be a great time to go to the movies with the UP FIlm Institute’s selection of screenings at the UPFI Film Center in UPDiliman.

Monday, May 25, 2015

SHADOWS OF YESTERDAY (Alimuom ng Kahapon) is IN at DURBAN GAY AND LESBIAN FILM FESTIVAL


It has been confirmed by the team of ALIMUOM NG KAHAPON with its English Title: SHADOWS OF YESTERDAY, that the Film has officially been chosen in the DURBAN GAY AND LESBIAN FILM FESTIVAL.

Thursday, March 05, 2015

ALIMUOM NG KAHAPON Official Playdate is Out


I have been waiting for this film and it is official, Alimuom ng Kahapon is slated to be shown in selected Philippine cinemas nationwide on May 6, 2015. This is according to its Facebook page as announced earlier today. Exciting! (https://www.facebook.com/alimuomngkahaponOfficial)

Thursday, January 01, 2015

ALIMUOM NG KAHAPON: Ang Kwento

Kapag pumatak na ang ulan ng Mayo sa isang matinding tag-init, umuusbong ang ALIMUOM. Kahit nakapagbibigay ito ng sakit sa kung sino mang makakaamoy nito, tao man o hayop, ito ay nagbibigay hudyat sa atin na tapos na ang tag-araw at simula na ng malamig na tag-ulan...bagong panahon, bagong pag-asa, bagong pagibig...


Ang Alimuom ng Kahapon ay isang pelikulang tungkol sa relasyong nabubuo mula sa pagkakaroon ng magkaibang ideolohiya at paniniwala.  Ang mga pangyayari ay naganap sa Maynila kung kalian ang bansa ay binubugbog ng Pork barrel scam. At tulad ng Alimuom, may mga sekretong maaaring umalingasaw.

Ang Alimuom ng Kahapon ay pinagbibidahan ng Star Circle Quest 2004 alumnus, DM Sevilla sa natatanging pagganap niya bilang si Nathan, isang lifestyle photographer na napilitang mag-cover ng isang demostrasyon para sa pahayagang pinagtatrabahuan. Sa rally nya nakita si Emman, isang estudyanting aktibista na nakikibaka laban sa pagtaas ng matrikula. Si Emman ay ginampanan ng 2006 Golden Screen Breakthrough Performance by an Actor na si Angelo Ilagan. Nabuo ang interes ni Nathan kay Emman at sinimulang sundan niya ang aktibista sa iba pang mga rally para makunan ng litrato. Nagkakilala ang dalawa ng kanilang iniwasan ang isang kaguluhang naganap. Nabuo ang isang espesyal na relasyon, subalit hindi naging maayos, laging puno ng kontradiksyon, at hindi pagkasunduan dahil sa kanilang magkaibang sitwasyon at paniniwala.


Tinatampok din sa pelikula sina Manuel Chua, Sebastian Castro, Marq Dollentes, Rex Lantano, Ford Fernandez, Alizon Andres at Godofredo Dela Cruz, na may espesyal na pagganap kina Jong Cuenco, Siege Ledesma at Angelina Kanapi. Ang screenplay ay sa panulat nina Rosswil Hilario, Rolando Inocencio, at Julius Lumiqued, sa direksyon ni Rosswil H. Hilario, sa ilalim ng Mountain Trail Productions.